Chapter 37: Happenings ISLA SENA's P.O.V Sa nakalipas na isang linggo simula ng lumipat ako sa condo-unit ni Cyrus ay naging maayos naman ang pagsasama namin. Sabay kaming pumapasok sa kumpanya at sabay din kaming umuuwi. Nagsimula na rin kaming magtabi sa higaan ni Cyrus, at masasabi kong iyon ang isa sa pinakagusto sa lahat. Mahimbing kasi akong nakakatulog kapag magkatabi kami ni Cyrus matulog. Bukod pa dun ay unti-unti na rin naming nasusulusyunan ang problema sa kumpanya. Nahanap na kasi namin kung sino ang spy na nakapasok sa kumpanya. Kaya naman bago masira ulit ang project na ire-release ng kumpanya ay tinanggal na kaagad ni Cyrus ang spy sa kumpanya. Hindi lang naman iyon ang mga naging pagbabago. Kung gaano kami nagsisimulang maging malapit ni Cyrus sa isa't-isa, ay ganun n

