Chapter 44: Conversation THIRD PERSON's P.O.V Tatlong araw matapos ang pagdalo nila Isla sa party ay wala namang nagbago sa kanila ni Cyrus. Sa halip ay mas naging malapit silang magkasintahan. Sa ngayon ay tinutulungan ni Isla na ipagluto ng agahan si Cyril dahil papasok na ito sa trabaho. Kaya naman maaga pa lang ay ginising na ni Isla ang kasambahay nila. Hindi si Isla ang nagluluto kaya naman siya na lang ang naghain ng mga lutong pagkain sa mesa. Pagkatapos maihanda ni Isla ang kakainin nila ay mabilis na bumalik ang babae sa kwarto nila ng lalaki. Nakangiting tumabi si Isla sa higaan saka niyakap si Cyril. At dahil natutulog pa rin ito ay marahang inangat ni Isla ang braso nito saka niya niyakap ang braso ng lalaki sa tagiliran niya. "Hon, gising na. Papasok ka pa sa trabaho

