Chapter 26: Beautiful THIRD PERSON's P.O.V Hindi magawang makatulog ni Isla dahil kapag napapatingin siya sa paligid ng kwarto ng lalaki ay naaalala niya lang ang gabing naging dahilan ng pagdadalang-tao niya ngayon. Kaagad na bumangon si Isla dahil bigla niyang naisipan na kumain ng bulalo. Iniisip pa lang ni Isla na matikman ang bulalo ay parang naglalaway na siya sa sobrang pagkatakam. Nang tiningnan ni Isla ang bedside alarm clock ni Cyrus sa kwarto ay nakita niyang alas-dose na rin ng gabi. Napabuntong-hininga siya dahil naisip niyang baka mamaya ay wala ng bukas na karendirya na nagtitinda ng bulalo. Mabilis siyang bumaba ng kama saka naglakad palabas ng kwarto ni Cyrus. Pagkatapos nun ay agad namang pinuntahan ni Isla si Cyrus sa sala kung saan ito kasalukuyang natutulog. Na