Chapter 24: Ending CYRUS DELROY's P.O.V Siguro kung nakakamatay lang ang mga titig ay kanina pa ako nalagutan nang hininga. Kitang-kita ko sa mga mata ng ama ko ang galit niya habang nakatitig sa akin. Nabalot din nang katahimikan ang paligid namin dahil nanatili lang na nakikinig sa amin ang mga kasama namin sa loob ng meeting room. Nang lingunin ko si Isla ay kitang-kita ko ang mga mata niyang nag-aalalang nakatingin sa akin. Sa totoo lang ay natatakot pa rin ako sa magiging reaksyon ng ama ko. Ito kasi ang unang pagkakataong nagawa ko siyang sagutin. Noon kasi ay grabe ang takot na naramdaman ko sa kanya simula ng ikulong niya ako sa basement. "Sa tingin mo ba ay hiniling ko rin na maging anak ang isang tulad mo? Kung hindi lang naman ako nalasing nung gabing kasama ko ang nanay