Chapter 28: Gossip ISLA SENA's P.O.V Pagkatapos namin mag-almusal sa condo-unit nila Cyril ay nagpasiya naman si Cyril na ihatid muna ako sa apartment ko para makapagpalit ng damit bago kami pumasok sa trabaho. Mabilis naman akong naligo at nagbihis bago ako muling lumabas ng apartment ko para sumakay sa kotse ni Cyril. Nang makapasok ako ulit sa kotse ay saka naman kami nagpasiya ni Cyril na bumyahe na patungo sa kumpanya. At habang nasa byahe kami ay nanaig naman ang katahimikan sa paligid namin. "Sena, pwede bang ikaw na lang ang mag-observe sa TTC? Sigurado kasing kailangan natin malaman kung ano ng ginagawa ng mga employee sa TTC. Ipasa mo na lang sa office ko iyong report mo kapag nakabalik ka sa TGC." sabi naman ni Cyril kaya ngumiti ako at tumango. "Sure no problem. Mas mai

