Haelyn's Point Of View* Pumasok sila Mom at Tita sa loob ng kwarto ni Florentina at nakita ko ang takot sa mukha nito dahil nakita nga niya ang dalawang pinatay niya pero akala lang niya na napatay niya pero buhay pa ito. Nakikita ko sa expression niya ang takot at di siya makapagsalita dahil harap harapan na niya nakita mismo ang dalawang pinatay at pinapatay niya. "It's nice to see you again, Florentina," nakangiting ani ng Mom ko na mas lalong kinalaki ng mga mata niya. Gusto niyang umatras pero di niya magawa dahil nakatali ang kanyang paa dahil nabali ito. "Ahhhh! Ahh! H-Hannie! Please, tigilan mo na ako!" Tinakpan niya ang mga tenga nito na parang ayaw niyang marinig ang boses nila Mom at Tita. Ito na ang resulta sa gabi gabing pananakot namin sa kanya at ito na din ang res

