Florentina POV* Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa binalita ng mga tauhan ko. "Wala kayong nakitang bangkay ni Ranzzel!" "Wala po, Madame," sabay ani nilang Lima sa akin. "Binalikan po namin ang kagubatan pero wala talaga." "Baka buhay si Ranzzel? Hanapin niyo pa baka nandodoon lang yun! Ngayon na!" "S-sige po, Madame!" Nagmamadaling umalis ang mga bagong tauhan ko at napasandal ako sa upuan at napakagat kagat ako sa kuko ko dahil sa nangyayari. Mahirap kung buhay pa ang isang iyon. Sagabal talaga ang babaeng yun sa buhay ko. Once buhay yun siya ang makakasira ng buhay ko! Napatingin ako sa gilid nnag mapansin ko na mukhang aalis si Rubert. "Honey, saan ka pupunta?" "Sa opisina may gagawin ako doon. At may emergency na pinatawag kaming lahat." Nagulat ako sa sinabi niya. Dahil

