Haelyn's Point Of View* Nakarating na kami sa quarters nila at nakikita ko na ang dami ng tao kaya nahihiya akong tumingin sa kanila kaya straight lang ang paningin ko sa paglalakad. Makatingin kasi sila parang nauubos na ako eh para kasi nila akong kinakain ng buhay kaya ganyan ang kanilang mga paningin. Ngayon lang ba sila nakakita ng magandang dilag? Tumingin ako sa mga kasama ko. "May problema ba sila sa akin? Upakan ko na ba sila? Ang weird kasi ng mga tingin nila eh." Natawa naman ng mahina si Stella at si Walter naman ay napailing iling na lang. "Bakit ano ba ang mga tingin nila sayo?" "Para nila akong hinuhubaran." Yun na lang ang sinabi ko sa kanila na kinakunot ng mga noo nilang dalawa. "Ako na ang bahala sa kanila," ani ni Stella at tumango na lang ako at tumingin si S

