Haelyn POV* "Good Morning, section A students," walang emosyong ani ni Dean. At di ko alam kung ano ang ginagawa niya dito at kasama din niya ang mga Student Council. Yun ang narinig ko sa mga kaklase ko. Nakatingin ako sa mga Student Council at nagulat ako sa isa na nakatingin pala sa akin at tiningnan ko ang mga Blue green niyang mga mata. Na aamaze ako sa mga mata niya dahil ang gaganda nun. Parang sa mga animated films lang na ganyan ang kulay ng mga mata nila. "Hala ano kayang meron ngayon bakit kompleto sila ngayon?" rinig kong tanong ni Alexa na kinatingin ko sa kanya. "Bakit ano bang meron? May mangyayari ba dahil kompleto sila?" "Alam mo once in a blue moon ang ganyang pangyayari at mukhang may annoucement silang gagawin. Ano sa palagay mo ang i-aannounce nila?" ani ni Alex

