Haelyn's POV* Siya na ang Empress na sinasabi nila. Kahit nakamask siya ay ang ganda niya. Ang ganda ng mga bughaw niyang mga mata at ang ganda ng buhok niya. Kinabahan ako dahil bigla siyang huminto sa harapan ko at tumingin siya sa akin at titig na titig kami sa isa't isa. Kalma siyang nakatingin sa akin na parang ini-examine niya ang boung pagkatao ko. "Mukhang may bisita tayo ngayong gabi." "Yes, Empress," ani ni Stella. Napakapit ako kay Stella dahil nakakatakot na ang awra niya ngayon. Feeling ko nanindigan atah ang balahibo ko ngayon sa katawan dahil sa pamamaraan ng pagtingin niya sa akin. Bumalik ang tingin niya sa harapan at lumakad siya at umupo sa trono niya. "Wag kang matakot." Tumingin ako kay Stella at dahan dahan na tumango pero di pa din humihinto ang panginginig

