Haelyn's Point Of View* Napakagat ako sa labi ko nang makita ang text sa akin ng Empress. My Gosh! Kinakabahan ako makikipag dinner siya sa akin mamaya! Di ba siya galit dahil maaga akong umalis sa kwartong iyon? Napabuntong hininga ako kailangan kong kumalma. Nag inhale at exhale naman ako bago nagtatalon talon. "Twin, are you okay?" Agad akong napatingin kay Phen na nakasilip sa pintuan at nag aalala ang kanyang mukha sa akin habang nakatingin sa akin. At alam niyo muntik ng lumabas ang kaluluwa ko dahil sa ginawa niyang panggugulat. My Gosh parang lumabas ang kaluluwa ko dahil sa pagsulpot niya na parang kabute. "H-Ha? Anong sabi mo, Phen?" "I said, are you okay? Kanina pa kasi kita nakikitang hindi mapakali diyan sa kinatatayuan mo. Nag aalala ako, Twin. Kung may problema ka ay w

