Haelyn's Point Of View* Nakatingin ako kay Empress dahil ngayon ko lang dinala ang kambal ko tapos alam pa niya ang pangalan nito. "I know him dahil anak siya ng sikat na CEO na si Mr. Foster." Tumango tango na lang kami. Akala namin kung ano na. "You two can sit now." Napangiti kami at umupo na kami sa upuan at nag clap si Empress at sunod sunod na pumasok ang mga waiter na may dalang mga pagkain. At isa isa nilang nilapag ang mga pagkain sa mesa. Napalunok ako dahil ang sarap ng mga pagkain na nasa harapan namin ngayon. Oh my gosh! bakit ginutom na ako ngayon habang nakatingin sa mga pagkain. "Twin?" Nagulat ako nang may panyo na pinahid si Phen sa labi ko. "You're drooling." Natigilan ako at nanlalaki ang mga mata ko. Oh my gosh! Agad kong kinuha ang panyo ni Phen at nahih

