Haelyn's POV* Nagising ako at agad napaupo sa higaan ng biglaan at agad akong nagpalinga linga. Teka nasaan si Tita Ranz? Tatayo sana ako nang maramdaman ko ang kamay ni Phoenix na nakayakap sa bewang ko at tiningnan ko siya na tulog na tulog pa din. Katulad siya sa akin na pagod na pagod dahil sa mga ginawa namin kahapon. Nagsimula iyon sa aksidenteng nangyari kay Tita Ranzzel tapos boung gabi na paghahanap, tapos nakatulog ako ng sandali tapos kinabukasan nakahinga ako ng maluwag dahil agad siyang nakita at binisita namin si Tita Ranzzel tapos pumunta kami sa Botique para ayusan hanggang sa party na. Wala akong maayos na pahinga kaya ngayon ko nabawi ang lahat ng lakas ko dahil sa nangyari kahapon. Bumalik ako sa paghiga at niyakap ko ang lalaking mahal ko ng mahigpit. Nung nawalan

