Haelyn POV* Nakayakap pa din ako sa Dad ko. Gagawin ko talaga maging masaya lang siya sa hinaharap. Dahil ramdam ko ang pag hihirap niya dahil habang nabubuhay ako noon ay ramdam ko talaga ang bagay na yun. "Dad, wag kayong umiyak nadadamay ako sa iyak niyo Dad eh." Natawa naman siya kahit umiiyak. At pinunasan niya ang luha niya at kumuha naman siya ng isang panyo at pinunsan ang luha ko. Natawa na din kami para kaming baliw ni Dad dito umiiyak pero tumatawa. "Anak naman eh ang sabi ko sa Mama mo na papasayahin kita habang nabubuhay ako pero bakit ka naman umiyak. Mas lalong magtatampo ang Mama mo yan anak eh." "Nadadamay ako sa iyak niyo po eh. Consider na po yun, Dad." "Ganun ba? Okey di na iiyak si Daddy ha. Kaya wag ka na ding iiyak para hindi na magtampo si Mama mo." Napangiti

