Haelyn POV* Alam ko naman na ganito ang mangyayari matapos ang quicky love making namin sa sasakyan. Kaya heto ako nanghihina ako ngayon na nakasandal kay Phoenix. Grabe ang nangyari kanina para akong mababaliw na naman sa nangyayari. Mahina naman natawa si Phoenix at niyakap niya ako ng mahigpit. Sinamaan ko siya ng tingin at tinapal ko ang braso niya. "What?" Pinipigilan niya pa ang tawa niya habang sinasabi iyon. "Tinawanan mo pa talaga ako ha," nakakunot pa din ang noo ko habang sinasabi iyon. Grabe kasi tinawanan lang ako ng pangit na toh. "Hindi ah." Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin dahil sa sinabi niya. Hindi daw pero nakangiti siya ngayon. Pinagtripan talaga ako ng lalaking ito oh! "Okey, fine. Ang cute naman kasi ng Reyna ko." Napapout ako dahil cute daw kuno ako

