Naiiling at napapanganga pa rin sa akin si Cedric hanggang sa makarating kami sa Hospital kung saan naroroon si Liam. Tinanggal ko na rin ang unan mula sa loob ng aking tiyan at muling isinuot ang aking pants dahil napansin kong nawawala na siya sa konsentrasyon sa pagmamaneho dahil sa katititig niya sa aking mga hita. Matapos niyang humawak sa kambyo ng sasakyan ay dumadaplis ang kanyang kamay sa aking mga hita na sa tingin ko ay sinasadya niya! Ang akala niya yata ay okay na kaming dalawa. No way! Manligaw siya ulit kung gusto niya akong bumalik ulit sa kaniya! Pinagdusa niya ako ng maraming taon! Tapos ay ganun-ganun lang kadali para sa kaniya ang makuha akong muli?! Hmp! *** ROMERO'S HOSPITAL Humahangos si Cedric sa paglalakad patungo sa information department. Halos iwanan na nga