Sa buong linggong pananatili namin sa Tagaytay ay namayani ang katahimikan at tila isang bloke ng yelo ang bumalot sa aming dalawa ni Cedric habang hinihintay namin ang pagbuti ng kalagayan ni Liam na nakaratay sa Hospital. Siya na ang kusang umiiwas at lumalayo sa akin. Maging sa pagtulog ay hindi na niya ako magawang tabihan. At sa ginagawa niyang ito, pakiramdam ko ay paulit-ulit niya akong tinatarakan ng kutsilyo sa aking dibdib! Pero kahit masakit ay pinipilit ko pa ring magpakatatag at huwag sumuko. Hinding-hindi ko siya susukuan dahil ngayon niya ako mas kailangan. "Oopps." Biglang naalarma si Nikay nang pareho naming maramdaman ang paggewang ng minamaneho kong sasakyan. Naipilig ko ang aking ulo nang makaramdam ako ng bahagyang pagkahilo. "Okay ka lang?" tanong ni Nikay mula