The next day I woke up with a severe headache. Bumangon ako pero ilang beses kong naipilig ang aking ulo nang makaramdam ako ng pagkahilo. Kanina ko pa rin naririnig ang pag-iingay ng doorbell ng pinto ng aking unit. Tumayo na ako pero dagli ring napaupo nang mas lalo pa akong nakaramdam ng matinding pagkahilo. Tsk. Sino ba iyan?! Matinding pagka-uhaw ang aking nararamdaman at nanunuyo ang aking lalamunan. Napahabol ako ng hininga at kaagad nangalap ng tubig sa mesang nasa gilid ng kama pero wala akong makita kaya pinilit ko muling makatayo at pahapay-hapay ako sa mga pader bago makalabas ng aking silid. Ganun din sa mga pader at divider na aking nadaanan bago ako makarating ng kusina. I quickly opened the refrigerator door at mabilis na kinalkal ang loob nito. Lahat ng makita kong bo