"Hawak ni General ang buhay nating lahat. Simula pa lamang sa umpisa," pag-uumpisa ni Mama habang kami ay naririto na sa bagong mansion ng mga Parker. Dito na kami dinala ni Cedric matapos naming malaman na nakikitira lamang ngayon sa isang iskwater sila Mama. Nagulat sila Tito Liandrake at Tita Cecil sa pagdating namin at sa mga nalaman nila ngunit katulad pa rin sila ng dati, napakabait nila at kaagad kaming tinanggap. Wala naman daw kaming dapat na ipag-alala dahil hindi kasama sa mansion na ito si General. Pinuno din nila ng security ang buong bakuran. Bukod doon ay dito rin nakatira si Angel at Liam. Sa ngayon ay wala daw silang balita sa kinaroroonan ni General. Bigla na lamang daw itong umalis at walang nakakaalam kung saan nagtungo. "Matapos kaming ipatapon ni General s