Just Love Lumabas ako ng CR na tila wala sa sarili, walang pumapasok sa isip ko ngayon kundi ang batang pinag bubuntis ko. I drew a deep breath, pinning my back against the hall. Pumikit ako ng mariin para ibsan ang kirot sa pouso ko, ngunit mas lalo kong iniisip ay mas lalo lamang lumalalim ang sugat. "Margaux?!" Mabilis akong lumingon sa boses na 'yon ni Cindy. Agad akong umayos ng tayo at humarap dito. "May problema ba? Kanina kapa hinihintay ni Peter.." Marahan nitong hinaplos ang braso ko. "Uh, wala, medyo madami lang tao sa CR.." I trailed off. Sinimulan ko nang ihakbang ang mga paa ko para takasan ang mapanuring mata nito ngunit pigil niya ang braso ko. "Wait, Margaux.." Tumingala ako at mariing pumikit bago humarap dito. "I'm fine, Cindy. You have nothing to worry about