PINAGKAGULUHAN nga sa CISA ang sasakyang dala ni Larry at ang mga kasamahan naman niya sa team ay hindi makapaniwalang iluluwa noon ang isang binatang may matilos na baba. Nang lumabas nga si Ricky mula rito ay parang nahiya siya dahil halos lahat ng mga nasa parking area ng paaralan ay sa kanila nakatingin. Agaw atensyon naman kasi ang pagdating nila, lalo’t mamahalin nga talaga ang dalang kotse ni Larry. Si Larry naman ay kalmadong naglakad papunta sa kanyang unang klase. Bago nga siya lumayo ay pinatunog pa niya ang kanyang sasakyan gamit ang susi nito. Panay nga ang tingin ng mga estudyante sa kanya at si Ricky naman ay parang nagdalawang-isip na sumabay rito. Paano ba naman kasi, parang napanood na niya ito sa isang video clip sa t****k. Isang lalaking mayaman ang dumating sa school