NGINITIAN ni Maryey ang kanyang Kuya Alfie nang lapitan niya ito. Katatapos lang ng house blessing at gender reveal party na dinaluhan ng kanilang pamilya ni Sergio at malalapit na mga kaibigan. Mga busy sa kainan ang mga naroon ngayon. “Bakit hindi mo isinama ang girlfriend mo dito?” aniya na tinabihan ito sa may upuan. Yes, may girlfriend na ang kanyang panganay na kapatid. “Out of town,” tipid nitong sagot. Hindi na rin naman bumabata ang kanyang kapatid kaya naman kinakantiyawan na rin nila ni Nati na mag-asawa na ito dahil napaghuhulihan masyado. Anito ay malapit na raw. Iniangkla ni Maryey ang kamay sa braso ni Alfie at humilig sa may braso nito. “Mag-iingat ka palagi, Kuya.” “Lagi naman akong nag-iingat, Maryey.” Nakangiting tumango siya. “You should,” aniya. “At salamat din s

