“LOOK, mama,” ngiting-ngiti pa nang ipakita ni Ynho kay Maryey ang kinulayan nito na spiderman. “Wow, ang galing talaga ng Kuya Ynho namin,” puri niya sa anak bago ito niyakap nang mahigpit at ginawaran ng halik sa noo. “Mag-color ka pa ng marami, anak. Ipapakita natin sa papa mo pag-uwi niya.” “Okay po.” Nakaupo siya sa sofa habang si Ynho naman ay nakasalampak ng upo sa rug habang nagkukulay sa coloring book nito sa may center table sa malawak nilang living room. Mataman itong pinagmasdan ni Maryey. Nakakasiguro siya na lalaking matalino ang anak niya. Mabait din. Bukod sa kanila ni Sergio ay excited na rin ito na makasama ang dalawa nitong paparating na kapatid. Palagi nitong sinasabi na tutulungan siya nito sa pag-aalaga sa kambal. And he will be the best Kuya for Maryem and Mirakh

