Alya Maia “AMARIE” Rientes Finally, after a week ay maaari na akong makauwi. Nang malaman kong madi-discharge na ako ay nakaramdam ako ng excitement. Excited sa mga bagay na maaari kong makita paglabas ng ospital na ito. Excited na makasalamuha ang ibang mga tao na nakakakila sa akin. ‘Sa mga nagdaang mga araw simula nang magising ako ay pakiwari ko’y ang dami ko ng mga bagay na hindi nagawa. Pakiramdam ko ay ang dami nang lumagpas na mga pangyayari sa buhay ko.’ ‘Kung minsan napapaisip ako kung paano nga ba ako nabubuhay noon. Ano ang mga bagay na ginagawa ko sa araw-araw. Anu-ano ang mga pinagkaka-abalahan ko. Ang dami-dami kong naiisip at tinatanong sa sarili ko ngunit wala akong makuhang sagot.’ “Masaya ka bang makakauwi na tayo?” tanong ni Yna sa akin. Ine-empake na niya ang mga g