Alya Maia “AMARIE” Rientes “You’re bad!” bulalas ng isang bata nang makalapit sa akin. Pinagpapalo niya ako. Dahil nagta-tantrums ay gumaya na rin ang ibang bata, which is normal sa katulad nilang autistic. Mabuti na lang at nasa tabi ko si Kael kaya nailayo niya kaagad ako at prinotektahan sa kaniyang likuran. Ang mga nars naman ay mabilis na kumilos upang pakalmahin ang mga bata. ‘Kanina lang ay masaya silang naglalaro. Suddenly bigla na lang nagbago ang kanilang behavior?’ Nabigla ako sa mabilis na pangyayari pero hindi nawala sa aking pag-iisip ang pagtataka. “Go inside!” utos ni Kael. Tumango ako at sinunod ang kaniyang inuutos. ‘Hangga’t nakikita nila ako ay maaring mas maging worse ang kanilang behavior.’ Habang hinihintay sa opisina si Kael ay hindi mawala ang pag-aalala sa