Kael “DR. KAEL” Guzman Nakatitig ako sa dalawang babae na nasa aking harapan. Magkatitigan ang kanilang mga mata habang nakangiti sa isa’t-isa. Sandali kong naramdaman ang tensyon at kaba sa aking puso. Ang buong paligid ay parang tumahimik at tanging silang dalawa lang ang tao sa mundo. Ilang sandali rin nakalahad ang kamay ni Kathleen at hinihintay ang tugon ni Alya. “Nice to meet you, Kathleen. I’m -” Napahinto sa pagsasalita nang muling magsalita si Kathleen. “Sino ba ang hindi makakakilala sa isang Amarie? Back on the State ay ikaw ang pinapanood ko sa Filipino Channel. I’m glad that I finally meet you. It’s my pleasure to meet you personally.” Niyakap ni Kathleen si Alya at hinalikan sa pisngi. ‘Kapag may nakakita sa dalawa ay mapagkakamalam na matagal na silang magkakilala.