9 - Ordinary Person

2281 Words
Alya Maia “AMARIE” Rientes “Ayaw mo ba talagang sumama, Yna?” Pagmamaktol kong tanong sa kaniya. Hindi niya ako pinapansin at parang hindi ako naririnig. Patuloy lang ang kaniyang panonood ng telebisyon. “Yna?” ulit kong tawag upang makuha ang kaniyang atensyon. “Hindi na! Wala naman akong gagawin doon. Mag-enjoy ka na lang. Sulitin mo ang dalawang araw mong pahinga.” ani niya. Hindi ako tumigil sa pangungulit at hinila siya palabas ng bahay. “Ano bang ginagawa mong bata ka?! Tumigil ka nga!” natatawa niyang sabi sa akin. “Nagpapakipot ka pa kasi. Tara na at samahan mo ako.” “Jusko naman, Alya! Alam mong ito na lang ang pahinga ko ay ayaw mo pa akong lubayan.” “Yna, please?” pagmamaka-awa ko. Nagpatianod na lang si Yna palabas ng bahay. “Ang kulit mo talaga! Double pay ako ngayon, ha!” I giggled, “Oo na! Thank you.” Hinalikan ko siya sa pisngi. “You drive!” utos niya. Itinaas ko ang susi at sumakay sa driver seat. Pagdating sa foundation, hindi pa ako nakakapagbusina ay bumukas na ang gate. Pagpasok doon ay binati pa kami ng guard na may ngiti sa kanilang labi. Upang hindi maging bastos sa kanila ay binaba ko ang side mirror sa inuupuan ni Yna. Dumungaw ako sa bintana at binati rin sila. “Nasa loob na po si Dr.Kael,” sabi pa. Habang ginagarahe ang kotse ay panay ang kantiyaw ni Yna. Kung ano-ano na namang mga matatamis na salita ang lumalabas sa kaniyang bibig tungkol kay Kael. “Feeling ko ikaw ang talagang may gusto sa kaniya, Yna.” kantiyaw ko sa kaniya. “Napapansin ko na palaging siya ang buka ng iyong bibig. Lahat ng tungkol sa kaniya ay puro magaganda at walang masasama. Yna, ah! Nagdududa na talaga ako sa iyo.” “Sira! Alam mong isa lang ang aking minahal. Mula noon hanggang ngayon siya lang. At matanda na ako para sa mga teenage love, Alya. Bilang nakatatandang nag-aalaga sa iyo. Gusto ko na kung sakaling magkakaroon ka ng mamahalin o magmamahal sa iyong lalaki ay karapat-dapat. I treasure you as my daughter. Kael is a good catch.” Natahimik kami ni Yna. Nakatuon ang aking tingin sa kalsada. Sa aking isip ay sang-ayon naman ako sa kaniyang mga sinasabi, pero nasa akin ang problema. ‘I can’t stand about that so-called love. Sa umpisa puno ng pagmamahal at kasiyahan, pero hindi mo masasabi ang panahon dahil lahat ay maaaring magbago.’ Si Kael ang sumalubong sa amin pagbaba namin ng kotse. Agad niya akong nilapitan at binati. “Hello, thank you for insisting to come. Shall we? Ikaw na lang ang hinihintay namin?!” “Sure, Dok!” Si Yna ang sumagot. Nilapitan niya si Kael at kinalawit ang kamay sa braso nito. “Excited na si Alya na makita sila. Alam mo naman ang alaga ko, napalapit na sa foundation at sa mga taong nandito. Tinapik ni Kael ang kaniyang braso, “I see! Mukhang ikaw din ay excited, Yna.” “True! Excited akong makita ka. Imagine, maganda na ang gising ko, gaganda pa ang araw ko. Tama ba, Alya?” Hindi ako makapaniwala sa pinagsasasabi ni Yna. Nagiging awkward tuloy ang sitwasyon namin ni Kael. Nasa likuran ako ng dalawa at sinusundan sila. Narinig ko ang masasayng tinig nang magsalita si Kael ngunit sandali rin silang natahimik ng si Yna ang kanilang makita na kasama ni Kael. “Ay! Akala ko si Ate Amarie,” tinig iyon ng isang bata. Dismayado rin ang iba. Nagkatinginan ang dalawa at naghiwalay. Dahil sa ibinigay nilang espasyo ay lumitaw ako sa kanilang harapan. Muling nag-ingay at nagpalakpakan ang lahat ng makita ako. Lumapit si Yna sa akin at bumulong, “Obvios naman talaga na ikaw ang kanilang gusto. Nakakainis! Dapat hindi mo na ako sinama rito. Napahiya pa tuloy ako,” reklamo ni Yna. Niyakap ko siya at hinalikan sa noo. Medyo maliit siya kaya abot ko iyon. “Huwag ka ng magtampo. Mamaya ay mag-e-enjoy din sila na kasama ka ngayon dito.” Sinabi ko sa buong staff ng foundation na hindi nila ako kailangan bigyan ng special treatment dahil sa aking pagiging artista. Hiniling ko sa kanila na ituring nila akong isang ordinaryong tao na handang tumulong sa aking kapwa. “Hindi lang maganda, napakabait pa!” rinig ko sa ‘di kalayuan na upuan. Sa aking paningin ay mga nurse ang nag-uusap. Nagkunwari ako na hindi sila naririnig. Nakatuon lang ang aking atensyon sa isang pasyente na aking ina-aassit. “Busilak talaga ang kaniyang puso. Wala siyang katulad. Kung ang ibang artista ay gustong-gusto na palaging nakaharap sa camera, siya ay hindi. Biruin mo nag request pa siya na ‘wag siyang bigya ng special treatment.” ani ng kasama. “Bagay na bagay sila ni Dr. Kael, ‘di ba?” tanong ng nurse na nasa gitna. “I agree! Perfect match silang dalawa. Napaka simple at walang arte sa katawan. Siguradong hindi magsisisi si Dr. Kael kapag si Ma’am Amarie ang kaniyang napangasawa.” “Asawa agad? Siyempre girldfriend muna!” Ang boses na iyon ay pamilyar sa akin. Nang itaas ko ang aking ulo ay nakita kong si Yna na nakikipag usap sa mga nurse. “Yna!” tawag ko sa kaniya. Gusto ko siyang patigilin sa kaniyang ginagawa na pakikipag chismisan sa mga nurse. ‘Ayokong magkaroon ng agam-agam sa kanilang isip na possible ang kanilang sinasabi.’ Hindi nagpatinig si Yna at binalewala ako. Patuloy ang kaniyang pakikipag-marites sa ibang nurse. “Are you tired?” tanong ng isang malambing na boses. Namalayan ko na katabi ko na si Kael. “Hindi naman!” sagot ko. Napalunok ako at napakagat sa labi. ‘We’re almost close to each other. Dipa lang ang pagitan namin.’ “Malapit na kaming matapos. After this magmimiryenda na tayo at itutuloy ang next activity.” “Okay!” sagot ko. Napahawak ako sa aking batok at hinimas iyon. “May maitutulong pa ba ako?” Ayokong tumunganga lang at panoorin sila. “You can help them prepare the snack.” Sabi niya sabay alis sa aking tabi. Namataan ng aking dalawang mata na nakatingin pala sa akin ang mga nurse. Kakaiba ang ngiti sa kanilang mga labi at mga mata. “Ma’am, kami na po ang bahala rito!” sabi ng isang staff. Pinigilan niya ako ng hahawakan ko ang tinapay at palaman upang tumulong sa kanila. “Amarie na lang po,” nakangiti kong tugon. “I’m willing to help. Mas madami tayo ay mas mabilis matatapos ang ating gawain.” “Kayo po ang bahala!” sabi nila. Tumulong ako sa pamamahagi ng mga sandwhich at juice. They are well-mannered. Napakamasunurin at napakabait nila. Despite having a mental illness, they’re doing their best to communicate and mingle to others in a good way. Pinaghati-hati sa tatlong grupo ang mga pasyente base sa kanilang mga sakit. Ibinukod ang mga bata sa mga matatanda. Ang unang grupo ay ang mga may autisim na mga bata. Dadalhin sila sa isang facility kung saan gagawin ang kanilang activity like drawing, painting, singing and dancing. Ang pangalawang grupo ay mga teenagers. Some of them suffered from abuse by their family or relatives. Some of them were abandoned by their families. And some are lost their loved ones. Ang pangatlong grupo ay mga adult na may anxiety and depression. Dadalhin sila sa kwarto kung saan magkakaroon sila ng group formation, storming, and norming. The nurse and other staff guide each and everyone papunta sa kani-kanilang kwarto para isagawa ang next activity. Nagkaroon ako ng eagerness na malaman ang karanasan at nararanasan ng bawat isa. ‘Kagaya ko rin kaya sila?’ Kael never left by my side. Kung nasaan siya ay nakabuntot ako. “Pupuntahan ko ang kwarto ng bawat grupo. Gusto mo bang sumama?” tanong niya. “Oo ba!” walang patumpik-tumpik kong sagot. Hinawakan ko ang kamay ni Yna upang kaladkarin siya, “Let’s go, Yna!” Umiling siya, “Maiwan na ako rito. Ang sakit na ng mga paa ko.” “Shall we, Alya?” yaya niya. Tumango lang ako. He call me Amarie when people arounds, pero kapag kaming tatlo na lang nila Yna o kaming dalawa ay tinatawag niya ako sa aking pangalan. ‘I felt something sweet but I ignore it. Alam kong nagkakamali lang ako sa aking iniisip at nararamdaman toward him because his my doctor.’ Sabay kaming naglakad papunta sa kwarto ng unang grupo. Pagpasok namin doon ay namangha ako sa mga pasyente na may mga autisim. Ang iba ay nagpe-painting at ang ilan ay may hawak na music instrument. “Despite their mental illness, they are gifted.” “Indeed!” Sa tono ng aking boses ay puno ng pagkamangha. Umikot kami ni Kael sa buong kwarto at isa-isa niyang ina-assest ang mga ito. Naagaw ang aming atensyon ng makita ang dalawang bata na nag-aagawan sa gitara. Pumagitna naman ang mga nurse upang hindi na magkasakitan ang dalawa. In a minute kumalma na ang dalawa pero hindi pa rin nila binibitawan pareho ang gitara. I tried to comfort them. Lumapit ako sa kanila at umupo sa sahig. “Can I borrow the guitar?” sabi ko. I’m gentle and happy talking with them. Tumango ang dalawa ay binitawan pareho ang gitara. “Thank you,” tugon ko sa kanila. “Do you know how to use it?” Umiling lang sila. “If you want, I’ll show you! I sing while I’m playing the guitar, so you should pay attention. Okay?” Umupo ang dalawa ang sa aking harapan. Naka indian seat ako at inihanda ang aking sarili. Ginaya naman nila ako. Pag string ng gitara ay hindi nawala ang kanilang mata sa akin. Nang makuha ang kanilang atensyon ay nagsimula na akong kumanta. “Somewhere over the rainbow…” Nagpatuloy ako sa aking pagkanta. Ang kaninang dalawang manonood ko ay nadadgdagan ng nadagdagan. Nang matapos ko ang aking pagkanta ay tahimik nila akong tinititigan. Pinagmasdan ko silang lahat at sa mukha nila ay puno ng paghanga. “The end. Thank you!” Sa ilang minuto na aking pagkanta ay ibinigay ko ang buong puso ko upang ialay iyon sa kanilang lahat. ‘Mabait pa rin sa akin ang mundo dahil hindi ako naging isa sa kanila. Mapalad ako dahil may pagkakataon pa para maayos ko ang aking buhay.’ “How long had you played guitar?” tanong niya. Naglalakad kami papunta sa kabilang grupo. “Aliyah played guitar. When she passed away, nag-aral akong tumugtog ng gitara. It’s my way to lessen the burden on my heart. Ginusto kong matutong mag gittara para hindi ko siya makalimitan. Para hindi siya mawala rito,” turo sa aking puso. “At dito!” turo ko sa aking isip. Tinitigan ako ni Kael at walang salita na lumabas sa kaniyang bibig. “Don’t pity me, okay!” sarkastiko kong sabi sa kaniya. “I don’t! I just admire you.” Pagpasok namin sa pangalawang kwarto, naroon ang mga teenager kasama ang isang councelor na pinakilala sa akin ni Kael. Nasa kalagitnaan na sila ng kanilang activity nang dumating kami. “Write down the things you want to learn and explain why. If you’re going to do it, who is the person you want to accompany you?” sabi ng counselor. Nagmasid si Kael sa bawat teenager. All of them are focus on their writing. Pagkatapos umikot ay bumalik si Kael sa aking tabi. Inabot niya sa akin ang ballpen at papel. Inabot ko iyon at tiningnan siya. Gusto kong magtanong kung anong gagawin ko pero mabilis din siyang nagsalita. “Isulat mo rin ang mga bagay na gusto mo pang matutunan. Explain why and who you want to accompany with.” “Kailangan ko ba talagang gawin ito?” tanong ko. “Yes, but if you don't like it’s okay!” Huminga ako ng malalim, “Okay,” sagot ko sa kaniya. Pinaupo niya ako sa upuan at malaya niya akong hinayaan magsulat. ‘I want to learn how to love. Right now, I don’t know to whom but I will gradually open my heart to a man who’s worth it enough to accept me who I am.’ Pagkatapos magsulat ng lahat ay inutos ng counselor na itupi ang papel at ilagay sa loob ng box ang sulat na ginawa namin. Pinapasa niya iyon sa harapan. “After two months, muli nating bubuksan ang box at babasahin iyon. At isa-isa ninyong sasagutin kung natutunan niyo na ba ang mga iyon.” Papunta na kami ni Kael sa pangatlong grupo nang pigilan ako ni Kael. “Bakit?” tanong ko. “Baka hindi mo mapigilang maging emotional kapag narinig mo na sila isa-isang magkwento tungkol sa kanilang karanasan. Ayokong mag-trigger ang PTSD mo. If you want you, we can skip this -” “Let’s go!” malumanay kong sabi. ”I want to know their own experiences, whether it is good or bad.” Kael lead the way. Pagpasok pa lang sa kwarto ay masyadong mabigat na ang ambience roon. All are crying. Hindi ko alam kung sinadya ba ni Kael na bilisan ang pag observe sa grupo na iyon dahil minuto lang ang inilagi namin doon at niyaya niya na akong umalis. “Sorry, may appointment pa ako ng 4:30.” sabi niya. “Let’s go!” Pagyaya niyang umalis ay naramdaman kong hinawakan niya ako sa kamay at hinila palabas. “It’s okay! May next time pa naman. Aalis na rin ako. Thank you!” “I am the one who should thank you! You made this day special and memorable.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD