Alya Maia “AMARIE” Rientes Mahigpit kong niyakap ang asawa at mga anak ni AJ bago tuluyang magpaalam sa kanila. Sunod ko naman niyakap si AJ. Ang dami kong dapat ipagpasalamat sa kaniya dahil sa nakaka-aliw na bakasyon namin mag-asawa. ‘Ang dalawang araw ko na bakasyon ay naging isang linggo dahil sa desisyon ni Kael na manatili kami rito. Sabi niya kasi ay makakatulong pareho sa amin na kahit paminsan-minsan ay nakakapag relax kaming dalawa.’ Araw-araw namin sinasalubong ang sunrise at pinapanood na lumubog ang araw. ‘It’s very amusing.’ Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya. Isa-isa ko sila muli tiningnan. “Mami-miss ko kayo,” sambit ko. “Sa susunod mas matagal akong magbabakasyon dito. At kapag nangyari iyon ay kasama ko na ang baby ko.” Nagagalak kong sabi sa kanila. “Just ca