Alya Maia “AMARIE” Rientes Humarap ako sa harap ng camera at ngumiti. “I dedicate this song to my one and only love, Dr. Kael!” bungad ko. Nagtilian ang lahat at humiyaw-hiyaw dahil sa kilig. “Okay. Hindi lang para sa soon-to-be my husband ko pero para na rin sa inyong lahat na nanonood.” I cleared my throat. Nagsimulang tumunog ang piano. And I started to hum. “It’s been a long and winding journey, but I’m finally here tonight…” “Picking up the pieces and walking back into the light.” ‘Marami na akong pinagdaanan sa buhay. Malayo na rin ang narating ko. Ang noon na madilim na tinatahak ko ay unti-unting lumiliwanag. Mabagal ‘man ang proseso. Matagal ‘man ang ginugol kong panahon para ayusin ang sarili ko ay natuto akong magsimula muli.’ “My dreams came true when I found you…” “