Alya Maia “AMARIE” Rientes “Ahh…!” Sigaw ko. Mabilis akong tumayo sa kama. “What are you doing here?” bulyaw kong tanong kay Jarren ng makita kong katabi siya sa kama. Tiningnan ko ang cellphone kong hawak upang tingnan ang aking kausap. “Lagot ako!” sambit sa hangin. Pinatay na ni Kael ang pag-uusap namin. Aligaga akong nagchat sa kaniya at sinusubukan siyang tawagan ngunit hindi na siya sumasagot. Napasabunot ako sa aking buhok at napa-upo sa sahig. Napatingin ako sa gawi ng pintuan ng bumukas ang pinto. Nagtama ang mata namin ni Yna kung saan mababanaag mo ang pag-aalala. Nagpalitan ang kaniyang tingin sa amin ni Jarren na ngayon ay naka-upo sa kama. “What happens? Why are you screaming?” tanong niya. Sinamaan ko ng tingin si Jarren ng makita kong bumuka ang bibig at nagsalita, “I