Alya Maia “AMARIE” Rientes Nakaharap ako sa vanity mirror at sinusuot ang aking hikaw habang si Kael naman ay nasa aking likuran habang sinasara ang zipper ng aking suot na damit. Napansin ko rin ang kaniyang suot. Bagay na bagay iyon sa kaniya.‘Sobrang neat niyang tingnan sa suot na casual clothes.’ “Sabay na tayong pumunta! Hihintayin na lang kita,” pagmamaktol niyang sabi. ‘Ngayon kasi ang birthday ng anak ni Abby at Ram. Nangako na akong pupunta pero male-late ako dahil sa aking trabaho.’ “Nakakahiya sa mga kaibigan mo. Mauna ka na at susunod na lang ako. Sandali lang naman ang pictorial ko na iyon. Magpapahatid na lang ako kay Kuya Jeff kaya ‘wag ka na umalis sa event para lang sunduin ako.” “How can you read my mind?” natatawa niyang tanong. “I just know!” pang-aakit kong tugon