JAMES Marami sa mga empleyado ang naghihintay ng pumasok kami ni Attorney Monterey kasama ang ilang executive na nasa likuran ko. Tumayo ako sa gitna habang ipinakilala ng isa sa mga kasama kong pumasok na hindi ko alam kung anong posisyon sa kumpanya. "Listen everyone, we're proud to announce that Mr Jaxon Suarez will take over the Chief Executive Officer position recently vacated by Mr. Santiago Alegre. Jaxon is the only son of late James Miguel Suarez and rightful heir of this company known as Suarez corporation before Mr. Alegre changed it to Alegre Holdings corporation." Malakas na ugong at bulung-bulungan ang maririnig sa buong paligid matapos i-anunsyo ang pangalan at posisyon ko. Marahil hindi inaasahan ng lahat ang biglaang pagbawi ko sa kumpanya lalo na ang ipakilala ako dah