VICTORIA UNTI-UNTING pumasok sa aking tainga ang tunog ng mga kuliglig sa paligid, ang hampas ng hangin sa mga puno, at ang mga pag-uusap ng mga tao. Unti-unti ring nanuot sa aking balat ang lamig na dulot ng ihip ng hangin at ng bagay na nakapulupot sa akin. Marahan kong iminulat ang aking mga mata. Nang una ay pawang kadiliman lang ang nakikita ko, pero kalaunan ay naaninag ko si Karim sa kabilang sulok ng kuwarto na kagaya ko ay nakagapos din. Iginalaw ko ang aking mga kamay at paa dahilan para gumawa ng ingay ang mga kadenang nakagapos dito. Dahil dito ay nagising si Karim at napatingin sa kinaroroonan ko. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang mga sugat ko sa katawan. "H-Hi," mahina kong bati sa kaniya. "I'm glad that you're fine." Sa sinabi kong iyon ay napayuko siya, a