Yugyog sa balikat ang nagpamulat sa kanya. Kumunot pa ang noo niya nang pagbukas ng kanyang mga mata gwapong mukha ni Sebastia ang nasilayan niya. Pakiramdam niya nanaginip siya habang nakatingin sa mga mata nito. "Wake up, we're here," Sebastian said habang nanatiling nakatingin sa mga mata nito. Napansin rin niyang kahibla na lang ang layo ng mga mukha nila. Mainit nitong hininga ang dumampi sa pisngi niya. Kaya naman mabilis niya itong tinulak palayo sa kanya at umayos ng pagkakaupo. "Nasa Baguio na tayo," anunsyo pa ni Sebastian sa kanya. Tumingin siya sa labas ng bintana at nakita niyang nasa parking lot sila hindi kalayuan sa mataas na building. Mukhang sa hotel na iyon sila mag i-stay. Wala siyang nagawa kahit ayaw niyang sumama sa asawa sa Baguio para daw sa honeymoon nila. Da