Pagdating sa penthouse agad siyang tumuloy sa may hagdan para sana magpahinga na muna. Iba ang pagod na nararamdaman niya sa araw na ito. "Scarlett, wait!" Pigil ni Sebastian sa kanya nang akmang aakyat na siya ng hagdan. Huminto naman siya at nilingon ito. "What?" Taas kilay niyang tanong rito. "We need to talk," Sebasian said. Inis niyang inikot ang mga mata para ipakita kay Sebastian ang inis niya. Sa sasakyan palang nagbabangayan na sila nito. Paano ba naman nagyayaya itong magtungo sila sa Baguio bukas para sa honeymoon nila samantalang masyadong tinipid ang kasal nila. Ang daming kulang. Para nga lang silang nagpirmahan sa harapan ng Judge. "Sebastian kung tungkol sa honeymoon na sinasabi mo ang gusto mong pag usapan natin. Sinabi ko na kanina ayoko! Hindi tayo mag a-honeymoon,"