Iniwan niya si Scarlett sa guest room na umiiyak. Nais niya itong yakapin, pero hindi niya magawa, dahil pinaiyak rin niya ito kanina. Wala na yatang ginawa si Scarlett kundi ang umiyak sa buong araw. Naaawa siya sa dalaga. Lalo na't hindi nito deserve ang masaktan at gawan ng masama ni Irish at ng Rob na iyon. Hindi niya palalampasin ang kahayupang ginawa ng mga ito kay Scarlett. Magbabayad ang mga ito. Habang pababa siya ng hagdan tumunog ang cellphone niya. Napakunot ang noo niya nang makitang ang Mama niya ang tumatawag. Nasa bakasyon pa ito kasama ang Daddy ni Scarlett. "Mama," tugon niya nang sagutin ang tawag nito. "Sebastian," napansin niyang may diin ang pagtawag ng ama sa pangalan niya. Kilala niyang malumanay ang ina. "Sebastian, listen to me. Kakatatawag lang sa akin ni