Nanlalaki ang mga mata niya habang sakop ni Sebastian ang labi niya. Nakuyom pa niya ang dalawang kamay at hindi magawang igalaw ang katawan na nakadikit sa matigas na dibdib ni Sebastian. Nagsimulang gumalaw ang labi ni Sebastian sa labi niya ng dahan-dahan. Saka naman kusang pumikit ang mga mata niya para namnamin ang halik na binibigay ni Sebastian sa kanya. Ito ang unang beses na may humalik sa labi niya, kaya naman hindi niya malaman kung paano gaganti sa halik nito. Isama pa ang kakaibang pakiramdam ng kanyang buong katawan. Nagsisimula na kasing lumukob ang init sa kanya katawan. Ang pagkakaalam niya malamig nang pumasok sila ni Sebastian sa penthouse nito. Pero ngayon iba na ang pakiramdam niya. Para siyang sinisilaban sa sobrang init. Ngayon lang niya na experience ang mahalika