"You think sasama ako sa iyo ah Rob! Stop the car! You idiot!" Asik niya sa lalake. Tumawa naman ito ng malakas sa kanya at itinabi sa kalsada ang sinasakyan nila. "Ihinto mo bababa ako!" Utos pa niya sa lalake. Inihinto naman nito ang sasakyan sa tabi. Kinapa niya ang pintuan para buksan. Hindi niya iyon mabuksan. Sinubukan din niyang buksan ang bintana pero hindi rin niya nabuksan iyon. "Rob!" Tawag niya sa lalake. "Chill ka lang Scar," natatawang sabi pa nito sa kanya. Halatang pinaglalaruan siya nito. Kinuha nito ang cellphone at may tinawagan ito. Ilang sandali lang may sumagot namang lalake sa kabilang linya at narinig niya ang ingay. Mukhang nasa party ang tinawagan ni Rob. "Oh.. Boss Rob ano na? Game na ba? Gagawin na ba namin ang plano?" Klaro pa rin niyang narinig ang sinab