"Scarlett, let's go," mariin niyang tawag kay Scarlett habang nakatayo pa rin sila sa gitna ng mga kabataang nagsasayaw na tila hindi napapansin ang nangyayari sa kanilang apat. "Scarlett, sasama ka ba kay Sebastian?" Joaquin asked Scarlett. Mariin niyang pinikit ang mga mata at iniling ang ulo. Hindi niya maintindihan kung bakit pati si Joaquin ay nakikisali sa gulo nila ni Scarlett at Irish. Hindi nga niya alam kung paano nalaman ng kaibigan kung nasaan si Scarlett. Pansin niya sa kinikilos ni Joaquin na mukhang tinamaan ito kay Scarlett at hindi niya ito-tolerate ang ganitong pagkilos ng kaibigan. "We are not yet done talking, Sebastian," sabi naman ni Irish sabay hila sa braso niya. Mabilis naman niyang inalis ang kamay nito at umiwas. Para sa kanya wala na silang dapat pang pag-u