Nayayamot na ako sa loob. Kakatapos ko lang maghapunan dahil dinalhan ako ng pagkain ng nurse. Gabi na at nakahiga lang ako buong araw. Iniisip ko kung kamusta na kaya sina mama—wala nga pala akong mga magulang. Pero sa totoo lang, namimiss ko rin sila, lalo na ang mga bata. Habang nakatingala sa kisame ay iniisip ko kung ano ang gagawin ko pagkalabas ko rito sa ospital. Hindi ko alam kung saan ako titira, saan ako kukuha ng pambayad sa kanila sa pagpapaospital sa akin, saan ako magtatrabaho kapag makalabas na ako rito, eh, lockdown naman, at wala akong ma-applyan. Napakamot na lang ako kahit wala namang makati. Nadagdagan lang lalo ang mga problema ko. Sabi nang tatalon na lang ako! Nagulat ako nang bigla akong makarinig ng impit na ungol. Napalingon ako kay Viro na parang nahihira