Crimson Bullet Season 2 AiTenshi Part 42: Linus Tumitig siya sa nakasulat dito ay saka huminga ng malalim. "Carlton, hindi ko maunawaan ang mga letra ng pahina," ang wika nito dahilan para mapakamot ng noo ang matanda, "Panginoon, iyan ang sinasabi ng iyong ama noon, kaya tinuturuan ka namin bumasa ng mga teksto pero sadyang napakatigas ng iyong ulo at hindi ka sumusunod sa iyong mga magulang," ang wika ng matanda. Natawa ako, "Eh pasaway ka naman pala talaga," ang hirit. "Shhh, huwag mo nga aking ipahiya sa aking mga ninuno, dito ka lang sa tabi ko at aanakan kita ulit mamaya," ang bulong niya sa akin. "Sira, doon ka na nga at magseryoso," ang tugon ko sabay tulak sa kanya. "Dapat kasi ay nag-aral ka noon para maruno kang bumabasa ng lumang teksto," ang hirit ko habang nakatabi kay