Crimson Bullet Season 2 AiTenshi April 10, 2021 Part 38: Makasalanang Desisyon Habang nasa ganoong posisyon ako ay narinig kong nagtawanan ang mga Miryoku sa aking harapan. "Aba, kinakausap mo na ang iyong sarili. Ano? Nanginginig ka na ba sa takot kaya't nakaganyan ka na lang? Ano ang sabi mo kanina? Nagsusumamo ka sa amin na huwag kaming magpapalit bilang mga Miryoku, dahil ano? Dahil mamatay ka na sa takot?! Dahil alam mong hindi mo kami kaya?!!" ang pagmamayabang na hirit ni Moroc. Natahimik ako at pinunasan ang laway sa aking bibig. "Hindi, ayokong magpalit kayo biglang mga Miryoku dahil.." ang bulong ko. "Dahil ano?!" ang tanong ni Moroc. "Dahil.. Dahil.. Nagugutom ako," ang wika ko sabay harap sa kanila. Nawala ang aking katawan mula sa dilim at dito ay isa isang tumumba a