Crimson Bullet AiTenshi March 25, 2021 Part 16: Jorad Vs. Tenjo JORAD POV “Sandali, hindi ka pwedeng umalis!” ang wika nito sabay pigil sa akin kaya naman lalo akong nagalit sa kanya, itinulak ko ito dahilan para matumba siya sa carpet na naging sentro ng atensyon ng lahat. Kumakabog ang aking dibdib, agad akong nagtatakbo patungo sa himpilan, halos lumutang na ang aking mga paa sa pag aapura. Napansin ko rin nakasunod na sa akin sina Carlton at Azusa na noon ay hindi maitago ang labis na pag-aalala. Ang kabog ng aking dibdib ay hindi dahil pagod ng pagtakbo kundi dahil sa matinding ka ba at pag-alala. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Tenjo! At papatayin ko ang buong angkan ni Guineth kapag napatunayan kong pinagplanuhan nila ito. Marahil ay naram