Crimson Bullet AiTenshi April 2, 2021 Part 27: Para sa pamilya "Akala ko mga matatandang gahaman lamang sila na hayok sa patubig. Lumaban ako at kinuha ko ang aking karapatan, kundi ay mamatay ang aking mga panananim na gulay. Pinagbantaan nila akong papatayin sa pagsabi ng bagong buwan at ngayon nga iyon. Wala akong alam na ang mag asawa pa lang iyan ay mga Miryoku. Ang mabuti pa ay kunin mo ang dalawang bata dalhin sila sa lihim na lagusan doon sa ilalim ng lupa, ginawa ko talaga iyon para sa kanilang dalawa. Alam kong darating ang araw sasalakayin rin kami ng mga Miryoku at batid kong ngayon na ang araw na iyon," ang bulong ni itay na bakas sa mata ang kakaibang takot at kaba. Mula sa kailaliman ng gabi, walang pakialam ang mga kapitbahay sa kung anuman ang mangayayari sa mga tao s