Kabanata Sixty – three Josh Dale POV Napayukom na lang ako ng kamao ko dahil sa mga sinabi ni Belle sakin at kung paano sila magtinginan ni Tristan sa harap ko. Hinayaan ko na lang silang umalis, hahayaan kong manalo ka ngayon Tristan pero sa mga susunod na araw sisiguraduhin kong makukuha ko ang gusto ko at yon ay si Belle. “Stop whatever your planning to do Jd, let them be happy” sabi sakin ni Mark. Tiningnan ko sya at sinagot ang sinabi n’ya sakin “Alam kong kapatid mo si Belle at ayaw mo s’yang masaktan pero wag kang mag alala dahil hindi ko naman sasaktan ang babaeng mahal ko” sabi ko sa kanya. Umiling s’ya sakin “Alam kong hindi mo naman sasaktan ang kapatid ko pero kahit ano pang gawin mo, pagsinira mo ang relasyon nila ni Tristan masasaktan mo s’ya at masasaktan mo din an