Kabanata Seventy – six Josh Dale POV Tiningnan ko silang lahat at nagyukom ako ng kamao ko, wala akong pakielam kung puro sugat ang kamay ko ngayon dahil walang katumbas na sakit ang nararamdaman ng puso ko dahil sa ginawa nila kesa sa sugatan kong kamay. “Anak please tama na yan” sabi sakin ni mommy at pilit akong pinipigilan pero lumayo ako sa kanya. “Wag n’yo kong lalapitan, hindi ko kayo kilalang lahat! Hindi ko alam kung paano n’yo sakin nagawa yon. Pamilya ko kayo pero sinaktan n’yo ang babaeng mahal ko at pinatay n’yo ang anak ko! Hindi n’yo man lang s’ya hinayaan masilayan ang mundo na to, hindi n’yo man lang inisip ang mararamdaman ko bago n’yo yon gawin kay Krystal! She been through a lot because of all of us and yet she still love me pero pilit n’yo saking inilalayo sakin