Kabanata Eighty – five Belle POV Tumingin ako kay Tristan habang nakikipga-usap ako sa wedding coordinator namin, may kausap kasi ngayon sa cellphone n’ya si Tristan at nakita ko kanina na si Kuya Dan yon. He looks stress habang nakikipag-usap s’ya kay kuya Dan at ano kayang problema n’ya? Hindi naman ganyan si Tristan kung walang problema sa kompanya n’ya nila o kaya sa DC airlines. “Ms. Montes, here are the sample of the motif that you want to see” sabi sakin ni Kyleigh kaya kinuha ko ang Ipad n’ya at tiningnan iyon. “Just call me Belle, ang pormal naman masyado ng Ms. Montes” sabi ko sa kanya. Tumango s’ya sakin at ngumiti, “Kung may gusto ka pang makitang motif sabihin mo lang sakin at ipapakita ko sayo” sabi n’ya sakin. Kaya tumango ako at tiningnan ko na ang ibinigay n’ya s