Kabanata Forty – nine Krystal POV Hindi ko alam kung dapat ba kong maging masaya kasi papakasalan ako ni Jd or malulungko tako kasi alam kong hindi naman totoo lahat ng to dahil sa oras na bumalik si Belle mawawala na ang lahat at mas kinakabahan ako at natatakot ako dahil alam kong ilang linggo na lang uuwi na sina mommy dito kasama ng isang malaking sekreto ko at alam kong magiging magulo na ang lahat “I need to talk to you” sabi sakin ni kuya Dan kaya tiningnan ko sya, andito ako ngayon sa waiting area ng function room ng hotel kung saan gaganapin ang engagement namin ni Jd ngayon “Bakit kuya?” tanong ko sa kanya “Kamusta na ang pamangkin ko?” tanong nya sakin kaya napabuntong hininga ako “She’s doing good as far as I know” sabi ko sa kanya kasi sobrang tagal ko ng hindi nakikita a