Kabanata Sixty – six Belle POV Ang bigat ng katawan ko at para ba kong nabugbog, idinilat ko ang mga mata ko at kumunot ang noo ko dahil hindi pamilyar sakin ang lugar na to. Napabangon ako ng wala sa oras ng maalala ko kung asaan dapat ako ngayon, I was inside the car of Jd a while ago dahil papunta kami sa meeting. Anong ginagawa ko sa kwarto na to at paano ako nakapunta dito? Tanong ko sa sarili ko at mabilis akong bumangon at lumabas ng kwarto, paglabas ko nakarinig ako ng alon at nanlaki ang mata ko ng marealize ko na asa beach ako. Mabilis akong lumabas ng bahay at para kumpiramahin kung tama nga ako at hindi nga ako nagkakamali dahil asa beach nga ako at isang lang beach kung hindi isang isla. Napahawak ako sa ulo ko at pilit na inalala kung ano ang nangyari sakin, muntik