Kabanata Five
Her POV
Nang magtama ang tingin naming dalawa umangat ang isang sulok ng labi nya kaya napailing ako, may mga pagkakataon talaga na hindi ko gustong andito si Rogi lalo na pag ganyan ang nagiging salubong nya sakin dahil ramdam ko na may gagawin nya lalo na ngayon. "Brad welcome back" sabi ni Tristan kay Rogi nya at nilapitan nya to saka tinapik sa balikat "Rogi saktong sakto ang dating mo, tara at kumain na tayo” sabi ni Tito sa kanya kaya na umupo na sya sa bakanteng pwesto sa tabi ni Alice at katapat ko sya ngayon "Let's eat" sabi ko at ngumiti, nagsimula na kaming kumain lahat "Tito Rogi” bati ni Gayle sa kanya at ngumiti, ang cute talaga ni Gayle "Mukang gustong gusto ka ng anak ko ah" Sabi ni Kuya kay Rogi habang kumakain kami "Ganon talaga pag gwapo Kuya" natatawang sagot nya kay Kuya kaya napailing ako "Brad wag mayabang" sabi ni Tristan sa kanya. Habang kumakain kami patuloy pa din kami sa pagbibidahan pero more on business ung pinag-uusapan namin."Okay Dessert time! Who wants some mango float?" tanong ni Tita samin "Me! Meeee I want someeee!!!" sabi agad ni Gayle kaya pangiti si Tita at bumaling sa kasambahay “Please serve the dessert” sabi nya dito kaya naman agad silang sumunod "Rogi kamusta ang byahe mo?” tanong ni Tita kay Rogi "Maayos naman po tita pero medyo pagod dahil mahaba ang byahe pero kaya ko pa naman po” sagot ni Rogi kay tita "So Kamusta naman ang Pinas?" Tanong ni ate Gwen sa kanya at bago sya sumagot sumulyap muna sya sakin kaya uminom ako ng tubig at hindi ko sya pinansin "Okay lang naman ate Gwen, ganon pa din naman walang po nagbago” sagot nya kay Ate, nagpatuloy na lang ako sa pagkain ng dessert ko at pagkatapos namin pumunta kaming lahat sa living room para magpahinag saglit at para ipagpatuloy ang bidahan namin "Tito where is my pasalubong?" tanong ni Gayle kay Rogi habang nakakandong sya sa daddy nya "In my luggage baby girl" sagot ni Rogi sa kanya “Hey wag mo munang kulitin ang Tito Rogi mo about your pasalubong, he is still tired" sabi ni kuya kay Gayle kaya nag pout to "Okay daddy" sabi na lang ni Gayle kay Kuya "Rogi pinaayos na namin ung kwarto mo sa taas pwede ka ng magpahinga at andon na din lahat ng gamit mo" Sabi ni tita kay Rogi kaya tumango si Rogi at tumayo "Thank you po, aakyat na po ako sa taas” paalam na sabi nya samin “Sige” sagot ni tita sa kanya kaya umakyat na sya sa taas at kami na lang ang naiwan dito sa living room "Hey ang tahimik mo ngayon, may problema ba?" tanong sakin ni Tristan kaya umiling ako sa kanya "Walang problema baka napagod lang siguro ko sa ginawa ko kanina” sagot ko sa kanya "You want to rest?" tanong nya sakin kaya umiling ako "No, I'm good may pag usasapan din kami ni Rogi mamaya” sabi ko sa kanya kaya tumango sya "Okay sige pero sa susunod pag sinabi kong wag ka ng magtrabaho gawin mo, baka mamaya kung ano ang mangyari sayo” sabi nya sakin kaya tumango ako sa kanya, sobra talaga syang nag-aalala sakin "hey love birds wag kayong maglandian dito, nakakahiya naman sa single! Lahat kayo may kanya kanyang partner” sabi ni Alice samin kaya natawa kami “Anak wag kang ma-bitter dyan, one day the right person will come to you basta wag kang masungit” sabi ni tita sa kanya at napabuntong hininga si Alice kaya lalo kaming natawa a sinabi ni Tita “Mommy grabe kayo sakin” sabi nya kay Tita “Wag ka kasing masungit” sabi ni Tristan sa kanya at inakbayan kao "Nakakainis kayo laging ako nalang ang pinagtitripan nyo" sabi nya saming lahat "Ikaw ang bunso eh!" sagot naman ni ate sa kanya. Nagkukwentuhan pa din kami ng bumaba si Rogi at madaming dalang paper bags, mukang magbibigay na sya ng pasalubong nya saming lahat. Lagi naman nya tong ginagawa pagpumupunta sya dito, hindi pwedeng wala syang binibigay samin lalo na kila Tito at Tita "Oh Rogi akala ko nagpapahinga ka na sa taas?" tanong ni Tita sa kanya "Ibibigay ko lang po ito sa inyo tita at alam kong excited na si Gayle sa pasalubong nya” sabi ni Rogi kay Tita "Tito Rogi is that may pasalubong?" tanong ni Gayle sa kanya "Yes baby" sagot ni Rogi sa kanya "All of that Tito?” tanong nya kay Rogi kaya natawa kami "Not all baby" sabi naman ni Rogi saka ginulo ung buhok nya nag pout tuloy sya "But don't be sad madami naman akong ibibigay sayo don't worry" sabi pa ni Rogi sa kanya "Yehey!" masayang sabi nya "Okay uunahin ko na ung kay Gayle, baby come here" sabi ni Rogi at agad namang lumapit si Gayle kay Rogi "Here is my pasalubong" sabi nya at inabot ni Rogi ung malaking paper bag na dala nya sa kay Gayle "Wow!” sabi nya, ang cute ng expression nya nung sinabi yon. Nang makuha nya ang pasalubong ni Rogi sa kanya bumalik na sya sa tabi ni kuya pero bago yon humalik pa sya sa pisngi ni Rogi saka nag giggle kaya natawa ako "Tito eto naman ung sa inyo” sabi ni Rogi kay Tito "Buti nakapagdala ka, iba pa din talaga ang sariling atin” sabi ni tito kay Rogi, lambanog ung dala ni Rogi na binigay nya kay Tito at parang alam ko na kung kanino nya nakuha yon. Although winery at alak ang isa sa Negosyo nila tito mahilig pa din sya sa mga local Filipino product lalo na pagdating sa alak. "May kakilala ho kasi akong may produktong ganyan and nag eexports din po sila tito, next time if makakauwi kayo sa Pilipinas ipapakilala ko kayo sa kanila, his family owned a lot of farm land in the Philippines and you will enjoy there” sabi ni Rogi at hindi nga ako nagkamali sa taong tinutukoy nya. Hindi nya lang sinasabi ang pangalan pero hindi ko naman sila nakalimutang lahat. "And tita eto po ung inyo, gusto ko sanang fresh durian kaya lang baka harangin ako sa immigration kaya yan na lang po ang dalawa ko” sabi nya kay Tita kaya naman napangiti si Tita at inabot ang paper bag kay Rogi saka yon binuksan "Nag Abala ka pa pero thank you buti meron ganito, at kahit hindi sya fresh alam kong masarap to” sabi ni tita kay Rogi. "Of course, tita masarap talaga yan dahil nakita ko kung paano nila ginawayan. One of my good friends allow me to come to their farm in Davao para lang makita yan, she is so nice” sabi nya kay Tita kaya napabuntong hininga ako. Nanadya na si Rogi alam ko dahil lagi syang nakatingin sakin pagsinasabi nya kung kanino nya nakuha ang mga yon. "Kuya and Tristan I also have a customize Wooden jeep and tricycle for collection and I made sure na kaya lang ang meron nyan” sabi nya kila Tristan at inabot ang dala nya. "Thank you Rogi!" Sabi ni Kuya saka tinapik si Rogi sa balikat "Brad salamat!" Sabi naman ni Tristan sa kanya at tiningnan na ang binigay nya, nabasa ko agad sa may gilid kung sino nagmanufactured "Ate and Alice may customize bag and wallets din" sabi nya at inabot yon sa kanila at lumingon naman sya sakin "At para naman sa best friend ko syempre pagkain! Matakaw to eh" sabi nya sakin kaya binatukan ko sya ng lumapit sya sakin "Kapal mo naman!" sabi ko sa kanya at tinawanan nya lang ako, inabot nya sakin ung isang paper bag na puro pagkain ang laman "Salamat ah!! Pagkain talaga eh!!" sabi ko sa kanya "Hayaan mo na alam ko naman na matutuwa ka dyan eh!" sabi nya sakin at may punto naman sya don “Tama naman si Rogi! Mahilig ka sa pagkain” sabi ni Tristan kaya tiningnan ko sya at tinaasan ng kilay "At ako naman ngayon ung pinagtutulungan nyo” sabi ko sa kanya "Same lang tayo ate kaya kung ako sayo wag mong pansinin yang kuya ko na yan” sabi naman ni Alice kaya natawa silang lahat. “Hoy Alice wag mong i-brainwash ang girlfriend ko” sabi nya kay Alice pero sinamaan lang sya ng tingin ni Alice. Napuno lang ng tawanan ang buong living room, napadako ang tingin ko kila Tito and Tita. Ang sweet nilang dalawa, sobrang tagal na din nila thirty-six years na silang dalawa and still going strong. Hindi ko alam ang istorya ng buhay nila pero sa tingin ko ang dami na nilang pinagdaanan pero ang tibay pa din ng pag sasama nila hanggang ngayon. How I wish every relationship is just like them, happy and will last long "Mukang malalim ang iniisip ng Girlfriend ko ah! What's bothering you?" tanong sakin ni Jd kaya tiningnan ko sya at sumandal ako sa kanya "Wala, I'm just happy and amazed by your parent’s relationship” sabi ko sa kanya at ngumiti "Why?" tanong nya sakin "They love each other so much and I think no one can destroy their love for each other" sabi ko sa kanya at muling tiningnan sila Tito at tita na masayang nag-uusap "They surpass a lot of trials when we were a kids. That's make them strong I guess" sabi nya sakin kaya napatango ako, I just smiled "Mommy I'm sleepy" sabi ni Gayle kay ate Gwen kaya napatingin kami sa kanila "Okay let's go upstairs, guys una na kami" Sabi ni ate Gwen samin at kinarga naman ni Kuya si Gayle na halatang antok na antok na. Umakyat na sila sa taas para magpahinga "Ako man magpapahinga na late na eh! Good night everyone. Thank you ulit Kuya Rogi" sabi naman ni Alice "You're welcome" sagot ni Rogi sa kanya, umakyat na din sya sa taas. "Kami din mag papahinga na. Bukas nalang ulit, Rogi salamat sa mga pasalubong mo" Sabi naman ni tita "Walang anuman po. Good night po" sagot ni Rogi sa kanya "Tristan ikaw na bahala dito" sabi naman ni Tito "Good night po" sabi ko sa kanilang Dalawa kaya ngumiti sila at magka-akbay na umakyat sa taas. Naiwan naman kaming tatlo dito sa living room "I’ll leave the two of you, mukang may dapat kayong mag usapan aakyat na muna ko sa taas. You know the way to the room” sabi ni Tristan sakin at hinalikan muna ko saka sya umalis at umakyat. "Now we're alone" sabi sakin ni Rogi kaya pinagtaasan ko sya ng kilay “Rogi nananadya ka ba?” tanong ko sa kanya at inirapan sya "Bakit ba?" tanong nya sakin "Ung mga pasalubong na dala mo akala mo ba hindi ko alam kung saan mo nakuha lahat yon, ano bang gusto mong iparating Rogi?” tanong ko sa kanya "Don't be so affected Belle, alam ko naman na gusto mo din malaman kung ano ba ang lagay nilang lahat ewan ko ba sayo kung bakit ayaw mo silang kamustahin” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako "Rogi alam mo ung dahilan ko, limang taon akong nag sakripisyo at ayokong masira lahat yon dahil lang sa kagustuhan kong malaman ang lagay nila” sabi ko sa kanya “Belle pamilya mo at mga kaibigan mo yon” sabi nya sakin “Alam ko Rogi pero hindi ito ang panahaon para maging mahina ako para lang harapin sila pagkatapos ng limang taon kong pagtatago sa kanila” sabi ko sa kanya, pinipigilan ko lahat ng emosyon ko ngayon dahil ayokong bumigay. "Ang tanga mo Belle ikaw na nga ang nag sabi na limang taon na! Ano pa ba problema mo? Alam mo bang halos gumuho ang mundo nilang lahat ng hindi ka nila makita! Belle naman maawa ka kay Tita Issabela, na mommy mo, sa totoo mong magulang dahil hanggang ngayon ikaw pa din ang sa isip nila” sabi nya sakin pero umiling ako, mahal ko sila pero hindi ko pa kayang bumalik "Please Rogi we both know na eto ang nakakabuti sa lahat, ayoko ng magulo pa dahil baka pagbumalik ako madamay pa sila” sabi ko sa kanya at umiling sya sakin “Belle yang ginagawa mo hindi yan kakabuti sa lahat! Wag mo ng takasan ang katotohanan na masyado ka ng nagtatago, alam kong maayos ka na ngayon at masaya sa buhay mo dito lalo na kay Trisitan pero sana isipin mo din lahat ng iniwan mo, hindi pwedeng ikaw lang ang maayos Belle.” Sabi nya sakin kaya natahimik ako "Belle hindi naman tumitigil si Jd na hanapin ka!" sabi nya sakin at sa limang taon ngayon ko na lang ulit narinig ang pangalan nya dahil limang taon kong sinara ang lahat simula noong umalis ako. "Rogi alam mo ung dahilan kaya ayokong magpakita o kahit makausap sila! Alam mo simula pa lang lahat ng pinadaanan ko, okay na ko dito Rogi! I'm happy with Tristan” sabi ko sa kanya at pinunasan ang luhang tumulo mula sa mga mata ko. Napabuntong hininga "Pero Belle paano ung mga taong iniwan mo? Ni minsan ba naisip mo na okay ba ung magulang mo? Belle bata ka pa lang nawala ka na sa kanila tapos nung natagpuan ka nila ilang buwan lang bigla ka naman nawala at aalis na lang basta, alam kong masaya ka na dito at tahimik na ang buhay mo pero Belle hindi don natatapos ang lahat” sabi nya sakin kaya napahawak ako sa ulo ko “Alam ko Rogi, alam ko ang pakiramdam pero hindi ko kayang bumalik kung yan ang gusto mong mangyari at kung bakit ka pumunta dito” sabi ko sa kanya at tinalikuran sya para umakyat na sa taas pero natigilan ako sa sinabi nya“Tita was hospitalized for one week because of you! Mark is keep looking for you! Hirap na hirap na sila Tito para Lang ma-trace kung asan ka! Alam mo na kokonsensya ko kasi ako alam ko kung asaan ka pero wala akong magawa para tulungan sila dahil ito ung hiniling mo para hindi ka mawala ulit pero Belle tama na ung limang taon wag mo ng patagalin pa!" sabi nya sakin kaya hinarap ko sya "Rogi anong sabi mo?” tanong ko sa kanya kaya lumapit sya sakin “Tita was hospitalized because of you” sabi nya sakin kaya napaupo ako “Rogi wag kang magbiro ng ganyan, Alam mong hindi ako titigilan ni Jd pagbumalik ako at ano mangyayari bumalik ako? lahat sila madadamay ng dahil sakin. Kaya kahit totoo yang sinabi mong nangyari hindi magiging dahilan yon para bumalik ako dahil may sakit pa din ako Rogi, mamatay din ako at magdudusa lang din sila lalo na sa lolo ni Jd kung hindi ako titigilan ni Jd” sabi ko sa kanya at napayukom sya ng kamao nya "Belle utang na loob kahit naman wala ka ikaw at ikaw pa din ang mahal ni Jd saka letcheng sakit yan! Belle please lang mas gagaling ka kapag kasama mo sila, paulit ulit ko na tong sinasabi sayo. Sapat na ung limang taon. Lahat sila nag suffer din hindi Lang ikaw. Kung alam mo lang ang hirap ng mga kaibigan mo dahil alalang alala sila sayo. Umalis ka ng may sakit Belle umalis ka ng mamatay ka sino ang hindi mag aalala sayo, lalo na ang mga magulang mo na halos mabaliw kakahanap sayo. Kung iniisip mo ang gagawin ng lolo ni Jd, Belle may pamilya at kaibigan ka na pwede kang protektahan ngayon. Hindi na to katulad ng dati, kahit ung mga magulang mo na nag palaki sayo ginawa ang lahat para mahanap ka. Everyone is doing their best to find you but none of them succeed. Muntik ng mamatay ung biological parents mo dahil sayo! May natagpuan na kotse na sumabog malapit sa huling location kung saan ka nakita noon. Agad na pumunta sila Tito and they were hit by a truck that time. Mark was to stress by that time! Lucky your parents survive at hindi din ikaw ung natagpuan na yon." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya pero umiling pa din ako sa kanya. Hindi pa ito ang panahon para bumalik ako, kahit ano pa man ung nalaman ko kahit na gusto kong umuwi at puntahan sila mommy para yakapin sya at kamustahin sya hindi pwede.
Hindi lang naman to dahil sa lolo ni Jd, may mas malalim pa kong dahilan kaya ayaw kong bumalik."Please lang din ayoko munang makausap sila. Just give me a few more days Rogi! Ako mismo ang tatawag kila mommy kung yan ang gusto mo” sabi ko sa kanya, bumigay din ako pero kahit na hindi pa din ako babalik "Do it Belle! Baka kasi ako na ang magsabi sa lahat kung asan ka bago pa mahuli ang lahat. Jd is close to know where you are at pagnalaman ni Jd kung asaan ka hindi maganda ang mangyayari” sabi nya sakin "Then keep me hidden Rogi! I will not come back for Jd anymore. Alam mo yan dahil si Tristan ang mahal ko!” sabi ko sa kanya “This is my last favor for you Belle. Sana lang tama ang desisyon mo, I want you to be happy!" sabi nya sain "masaya ko dito Rogi” sabi ko sa kanya “Masaya ka nga dito pero hindi ung saya kapag kasama mo ang pamilya mo at ang mga taong mahal mo na iniwan mo” sabi nya sakin at umakyat na sa taas. Naiwan na lang akong mag-isa dito ngayon, ayoko ng umiyak pero ung mga luha ko ayaw magpapigil. Kaya ayokong malaman ang nangyari sa kanila nung umalis ako kasi nasasaktan lang ako ngayon at lumalambot ang puso ko. Parang kahapon lang ang lahat at unti-unting bumabalik sa alaala ko ang mga nangyari noon.